1 Samuel 3

Patuloy na pinapatnubayan ng Panginoon si Samuel habang siyaʼy lumalaki. Niloob ng Panginoon na matupad ang lahat ng sinabi ni Samuel.

1 Samuel 3:19 (UKJV) And Samuel grew, and the LORD was with him, and did let none of his words fall to the ground.

17Nagtanong si Eli, “Ano ba ang sinabi ng Panginoon sa iyo? Huwag kang maglilihim sa akin. Parusahan ka nawa ng Diyos nang matindi kung hindi mo sasabihin sa akin ang lahat ng sinabi niya sa iyo.”

18Ipinagtapat nga ni Samuel ang lahat sa kanya, at wala siyang itinago. Sinabi ni Eli, “Siya ang Panginoon. Gagawin niya kung ano sa tingin niya ang mabuti.”

19Patuloy na pinapatnubayan ng Panginoon si Samuel habang siyaʼy lumalaki. Niloob ng Panginoon na matupad ang lahat ng sinabi ni Samuel.

20Kaya kinilala ng buong Israel, mula Dan hanggang Beer-seba, na si Samuel ay tunay ngang propeta ng Panginoon.

21Patuloy na nagpapakita ang Panginoon kay Samuel doon sa Silo, at doon ay ipinakikilala ng Panginoon ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.