19Patuloy na pinapatnubayan ng Panginoon si Samuel habang siyaʼy lumalaki. Niloob ng Panginoon na matupad ang lahat ng sinabi ni Samuel.
20Kaya kinilala ng buong Israel, mula Dan hanggang Beer-seba, na si Samuel ay tunay ngang propeta ng Panginoon.
21Patuloy na nagpapakita ang Panginoon kay Samuel doon sa Silo, at doon ay ipinakikilala ng Panginoon ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanya.