1 Samuel 4

Kumalat sa buong Israel ang mensahe ni Samuel. Noong mga panahong iyon, nakipagdigmaan ang Israel sa mga Filisteo. Nagkampo ang mga Israelita sa Ebenezer, at ang mga Filisteo naman ay sa Afek.

1Kumalat sa buong Israel ang mensahe ni Samuel. Noong mga panahong iyon, nakipagdigmaan ang Israel sa mga Filisteo. Nagkampo ang mga Israelita sa Ebenezer, at ang mga Filisteo naman ay sa Afek.

2Sinugod ng mga Filisteo ang mga Israelita at tinalo ang mga ito; nasa apat na libong Israelita ang napatay nila.

3Pagkatapos ng digmaan, bumalik ang mga natirang Israelita sa kampo nila. Tinanong sila ng mga tagapamahala ng Israel, “Bakit hinayaan ng Panginoon na matalo tayo ng mga Filisteo? Mabuti pa sigurong kunin natin ang Kahon ng Kasunduan sa Silo para samahan tayo ng Panginoon at iligtas tayo sa mga kalaban natin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.