1Nang maagaw ng mga Filisteo ang Kahon ng Diyos, dinala nila ito mula sa Ebenezer papunta sa Asdod.
2Pagkatapos, dinala nila ito sa templo ng kanilang diyos-diyosan na si Dagon at itinabi rito.
3Kinaumagahan, nakita ng mga taga-Asdod ang rebulto ni Dagon na nakasubsob na sa harap ng Kahon ng Panginoon. Itinayo nila ito at ibinalik sa dating posisyon.
4Ngunit kinaumagahan, nakita ulit nilang nakasubsob ang rebulto ni Dagon sa harap ng Kahon ng Panginoon. Ang ulo at ang dalawang kamay nito ay putol na, at nakakalat sa bandang pintuan; katawan lang nito ang natirang buo.