1 Samuel 5

Ngunit kinaumagahan, nakita ulit nilang nakasubsob ang rebulto ni Dagon sa harap ng Kahon ng Panginoon. Ang ulo at ang dalawang kamay nito ay putol na, at nakakalat sa bandang pintuan; katawan lang nito ang natirang buo.

1 Samuel 5:4 (UKJV) And when they arose early on the next day morning, behold, Dagon was fallen upon his face to the ground before the ark of the LORD; and the head of Dagon and both the palms of his hands were cut off upon the threshold; only the stump of Dagon was left to him.

2Pagkatapos, dinala nila ito sa templo ng kanilang diyos-diyosan na si Dagon at itinabi rito.

3Kinaumagahan, nakita ng mga taga-Asdod ang rebulto ni Dagon na nakasubsob na sa harap ng Kahon ng Panginoon. Itinayo nila ito at ibinalik sa dating posisyon.

4Ngunit kinaumagahan, nakita ulit nilang nakasubsob ang rebulto ni Dagon sa harap ng Kahon ng Panginoon. Ang ulo at ang dalawang kamay nito ay putol na, at nakakalat sa bandang pintuan; katawan lang nito ang natirang buo.

5Kaya hanggang ngayon, ang mga pari ni Dagon at ang mga pumapasok sa templo niya roon sa Asdod ay hindi na tumatapak sa bandang pintuan.

6Pinarusahan nang matindi ng Panginoon ang mga taga-Asdod at mga karatig lugar nito. Binigyan sila ng Panginoon ng mga bukol bilang parusa sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.