1 Samuel 5

Kinaumagahan, nakita ng mga taga-Asdod ang rebulto ni Dagon na nakasubsob na sa harap ng Kahon ng Panginoon. Itinayo nila ito at ibinalik sa dating posisyon.

1 Samuel 5:3 (UKJV) And when they of Ashdod arose early on the next day, behold, Dagon was fallen upon his face to the earth before the ark of the LORD. And they took Dagon, and set him in his place again.

1Nang maagaw ng mga Filisteo ang Kahon ng Diyos, dinala nila ito mula sa Ebenezer papunta sa Asdod.

2Pagkatapos, dinala nila ito sa templo ng kanilang diyos-diyosan na si Dagon at itinabi rito.

3Kinaumagahan, nakita ng mga taga-Asdod ang rebulto ni Dagon na nakasubsob na sa harap ng Kahon ng Panginoon. Itinayo nila ito at ibinalik sa dating posisyon.

4Ngunit kinaumagahan, nakita ulit nilang nakasubsob ang rebulto ni Dagon sa harap ng Kahon ng Panginoon. Ang ulo at ang dalawang kamay nito ay putol na, at nakakalat sa bandang pintuan; katawan lang nito ang natirang buo.

5Kaya hanggang ngayon, ang mga pari ni Dagon at ang mga pumapasok sa templo niya roon sa Asdod ay hindi na tumatapak sa bandang pintuan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.