1 Samuel 6

Ngunit tingnan ninyo kung saan sila pupunta. Kung lalakad sila paakyat sa Bet-semes, na isa sa mga bayan ng mga Israelita, malalaman natin na ang Panginoon ang nagpadala ng matinding pinsalang ito sa atin. Ngunit kung hindi ito tutuloy sa Bet-semes, malalaman natin na hindi ang Panginoon ang nagpaparusa sa atin. Kundi nagkataon lang ito.”

1 Samuel 6:9 (UKJV) And see, if it goes up by the way of his own coast to Bethshemesh, then he has done us this great evil: but if not, then we shall know that it is not his hand that stroke us: it was a chance that happened to us.

7“Kaya ngayon, gumawa kayo ng bagong kariton at kumuha ng dalawang inahing baka na hindi pa napapahila ng kariton. Ikabit ninyo ang kariton sa mga baka pero ihiwalay ninyo ang kanilang mga bisiro at ikulong sa kuwadra.

8Pagkatapos, kunin ninyo ang Kahon ng Panginoon at ilagay sa kariton. Ilagay din ninyo sa tabi nito ang isang Kahon na may lamang mga gintong handog na mga bukol at daga na ipapadala ninyo bilang handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Palakarin ninyo ang mga baka nang walang umaakay at pabayaan silang pumunta kahit saan.

9Ngunit tingnan ninyo kung saan sila pupunta. Kung lalakad sila paakyat sa Bet-semes, na isa sa mga bayan ng mga Israelita, malalaman natin na ang Panginoon ang nagpadala ng matinding pinsalang ito sa atin. Ngunit kung hindi ito tutuloy sa Bet-semes, malalaman natin na hindi ang Panginoon ang nagpaparusa sa atin. Kundi nagkataon lang ito.”

10Kaya sinunod nila ito. Kumuha sila ng dalawang inahing baka at ikinabit sa kariton. Ikinulong naman sa kuwadra ang mga bisiro nito.

11Isinakay nila ang Kahon ng Panginoon sa kariton at ang kahon na may lamang mga ginto na hugis bukol at daga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.