1 Samuel 7

Pagkatapos, kumuha si Samuel ng isang bato at inilagay sa gitna ng Mizpa at Shen. Pinangalanan niya itong Ebenezer dahil sinabi niya, “Hanggang ngayon, tinutulungan kami ng Panginoon.”

1 Samuel 7:12 (UKJV) Then Samuel took a stone, and set it between Mizpeh and Shen, and called the name of it Ebenezer, saying, Until now has the LORD helped us.

10Habang iniaalay ni Samuel ang handog na sinusunog, dumating ang mga Filisteo para makipaglaban sa mga Israelita. Ngunit sa araw na iyon, nagpakulog nang malakas ang Panginoon kaya natakot at nalito ang mga Filisteo, at nagsitakas sila sa mga Israelita.

11Hinabol sila at pinatay ng mga Israelita sa daan mula sa Mizpa hanggang sa Bet-car.

12Pagkatapos, kumuha si Samuel ng isang bato at inilagay sa gitna ng Mizpa at Shen. Pinangalanan niya itong Ebenezer dahil sinabi niya, “Hanggang ngayon, tinutulungan kami ng Panginoon.”

13Kaya natalo ang mga Filisteo, at hindi na nila muli pang sinalakay ang mga Israelita. Hindi hinayaan ng Panginoon na matalo ng mga Filisteo ang mga Israelita noong panahon ni Samuel.

14Naibalik sa Israel ang mga bayan malapit sa Ekron at Gat na sinakop ng mga Filisteo. Nagkaroon din ng kapayapaan sa pagitan ng mga Israelita at mga Amoreo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.