11Hinabol sila at pinatay ng mga Israelita sa daan mula sa Mizpa hanggang sa Bet-car.
12Pagkatapos, kumuha si Samuel ng isang bato at inilagay sa gitna ng Mizpa at Shen. Pinangalanan niya itong Ebenezer dahil sinabi niya, “Hanggang ngayon, tinutulungan kami ng Panginoon.”
13Kaya natalo ang mga Filisteo, at hindi na nila muli pang sinalakay ang mga Israelita. Hindi hinayaan ng Panginoon na matalo ng mga Filisteo ang mga Israelita noong panahon ni Samuel.
14Naibalik sa Israel ang mga bayan malapit sa Ekron at Gat na sinakop ng mga Filisteo. Nagkaroon din ng kapayapaan sa pagitan ng mga Israelita at mga Amoreo.
15Nagpatuloy si Samuel sa pamumuno sa Israel sa buong buhay niya.