1May isang taong mayaman at kilala mula sa lahi ni Benjamin. Ang pangalan niya ay Kish, at anak siya ni Abiel. Si Abiel ay anak ni Zeror, si Zeror ay anak ni Becorat, at si Becorat ay anak ni Afia na mula sa lahi ni Benjamin.
2Si Kish ay may anak na ang pangalan ay Saul. Bata pa si Saul at siya ang pinakagwapo at pinakamatangkad na lalaki sa Israel.
3Isang araw, nawala ang mga asno ni Kish, kaya sinabi niya sa anak niyang si Saul, “Magsama ka ng isang utusan at hanapin ninyo ang mga asno.”
4Kaya lumakad sina Saul at nakarating sila sa mga burol ng Efraim hanggang sa lugar ng Salisa. Ngunit wala silang nakitang mga asno. Kaya tumuloy sila sa lugar ng Saalim hanggang sa mga lugar ng lahi ni Benjamin pero hindi rin nila nakita ang mga asno doon.