1 Samuel 9

Kaya lumakad sina Saul at nakarating sila sa mga burol ng Efraim hanggang sa lugar ng Salisa. Ngunit wala silang nakitang mga asno. Kaya tumuloy sila sa lugar ng Saalim hanggang sa mga lugar ng lahi ni Benjamin pero hindi rin nila nakita ang mga asno doon.

1 Samuel 9:4 (UKJV) And he passed through mount Ephraim, and passed through the land of Shalisha, but they found them not: then they passed through the land of Shalim, and there they were not: and he passed through the land of the Benjamites, but they found them not.

2Si Kish ay may anak na ang pangalan ay Saul. Bata pa si Saul at siya ang pinakagwapo at pinakamatangkad na lalaki sa Israel.

3Isang araw, nawala ang mga asno ni Kish, kaya sinabi niya sa anak niyang si Saul, “Magsama ka ng isang utusan at hanapin ninyo ang mga asno.”

4Kaya lumakad sina Saul at nakarating sila sa mga burol ng Efraim hanggang sa lugar ng Salisa. Ngunit wala silang nakitang mga asno. Kaya tumuloy sila sa lugar ng Saalim hanggang sa mga lugar ng lahi ni Benjamin pero hindi rin nila nakita ang mga asno doon.

5Nang makarating sila sa lugar ng Zuf, sinabi ni Saul sa kanyang utusan, “Umuwi na tayo. Baka lalong mag-alala sa atin ang aking ama kaysa sa mga asno.”

6Ngunit sumagot ang utusan, “Sandali lang po, may isang lingkod ng Diyos sa bayan na ito. Iginagalang siya ng mga tao at nagkakatotoo ang lahat ng kanyang sinasabi. Pumunta po tayo sa kanya at baka sakaling masabi niya sa atin kung saan makikita ang mga asno.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.