1 Mga Taga-Tesalonica 1

Mula kay Pablo, kasama sina Silas at Timoteo, Sa iglesya ng mga taga-Tesalonica na nasa Diyos Ama at nasa Panginoong Hesu-Kristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.

1 Thessalonians 1:1 (UKJV) Paul, and Silvanus, and Timotheus, unto the church of the Thessalonians which is in God the Father and in the Lord Jesus Christ: Grace be unto you, and peace, from God our Father, and the Lord Jesus Christ.

1Mula kay Pablo, kasama sina Silas at Timoteo, Sa iglesya ng mga taga-Tesalonica na nasa Diyos Ama at nasa Panginoong Hesu-Kristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.

2Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa inyong lahat at palagi namin kayong binabanggit sa aming mga panalangin.

3Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa na bunga ng pananampalataya, ang pagpapagal ninyong mula sa pag-ibig, at ang inyong pagtitiis na mula sa inyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.