1 Mga Taga-Tesalonica 1

Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa na bunga ng pananampalataya, ang pagpapagal ninyong mula sa pag-ibig, at ang inyong pagtitiis na mula sa inyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

1 Thessalonians 1:3 (UKJV) Remembering without ceasing your work of faith, and labour of love, and patience of hope in our Lord Jesus Christ, in the sight of God and our Father;

1Mula kay Pablo, kasama sina Silas at Timoteo, Sa iglesya ng mga taga-Tesalonica na nasa Diyos Ama at nasa Panginoong Hesu-Kristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.

2Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa inyong lahat at palagi namin kayong binabanggit sa aming mga panalangin.

3Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa na bunga ng pananampalataya, ang pagpapagal ninyong mula sa pag-ibig, at ang inyong pagtitiis na mula sa inyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

4Mga kapatid na minamahal ng Diyos, alam naming pinili niya kayo para sa kanya,

5dahil noong ipinahayag namin ang Magandang Balita sa inyo, ang Diyos ay nangusap sa inyo hindi lang sa pamamagitan ng aming mga salita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, kalakip ang lubos na katiyakan na ang aming sinasabi ay totoo. Alam ninyo kung paano kami namuhay noong kasama namin kayo at lahat ng ginawa namin ay para sa kapakanan ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.