1 Mga Taga-Tesalonica 1

dahil noong ipinahayag namin ang Magandang Balita sa inyo, ang Diyos ay nangusap sa inyo hindi lang sa pamamagitan ng aming mga salita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, kalakip ang lubos na katiyakan na ang aming sinasabi ay totoo. Alam ninyo kung paano kami namuhay noong kasama namin kayo at lahat ng ginawa namin ay para sa kapakanan ninyo.

1 Thessalonians 1:5 (UKJV) For our gospel came not unto you in word only, but also in power, and in the Holy Spirit, and in much assurance; as all of you know what manner of men we were among you for your sake.

3Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa na bunga ng pananampalataya, ang pagpapagal ninyong mula sa pag-ibig, at ang inyong pagtitiis na mula sa inyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

4Mga kapatid na minamahal ng Diyos, alam naming pinili niya kayo para sa kanya,

5dahil noong ipinahayag namin ang Magandang Balita sa inyo, ang Diyos ay nangusap sa inyo hindi lang sa pamamagitan ng aming mga salita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, kalakip ang lubos na katiyakan na ang aming sinasabi ay totoo. Alam ninyo kung paano kami namuhay noong kasama namin kayo at lahat ng ginawa namin ay para sa kapakanan ninyo.

6Isa pang patunay na pinili niya kayo ay dahil tinanggap ninyo ang Magandang Balita sa kabila ng inyong matinding pagdurusa. Sa inyong pagtitiis nang may kagalakang mula sa Banal na Espiritu, tinularan ninyo kami at ang Panginoon.

7Dahil dito, nagsisilbi kayong halimbawa sa mga mananampalataya sa Gresya, mula Macedonia hanggang sa Acaya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.