7Bukod pa rito, kailangang iginagalang siya ng mga hindi miyembro ng iglesya upang hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo.
8Ganoon din naman sa mga tagapaglingkod sa iglesya: Kailangang kagalang-galang sila, tapat sa kanilang salita, hindi lasenggo, at hindi gahaman sa pera.
9Kailangang pinanghahawakan nila ang katotohanan tungkol sa pananampalataya kay Kristo nang may malinis na konsensiya.
10Kailangan ding masubok muna sila; at kung mapatunayang karapat-dapat, hayaan silang makapaglingkod bilang tagapaglingkod.
11Kailangang kagalang-galang din ang mga asawa nila, hindi mapanira sa kapwa, hindi madaling magalit, at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.