10kilala sa paggawa ng mabuti gaya ng maayos na pagpapalaki sa mga anak, bukás ang tahanan sa mga nakikituloy, hinuhugasan ang paa ng mga hinirang ng Diyos, tumutulong sa mga nangangailangan, at inilalaan ang sarili sa mabubuting gawa.
11Ngunit huwag mong isama sa listahan ang mga biyuda na bata pa; dahil kung matatalo ng kanilang pagnanasa ang katapatan nila kay Kristo, nanaisin nilang mag-asawa muli.
12At dahil ditoʼy magkakasala sila sapagkat hindi nila tinupad ang dati nilang pangako na maglilingkod na lamang sila kay Kristo.
13Maliban dito, matututo silang maging tamad at mag-aksaya ng panahon sa pangangapit-bahay. Hindi lang sila magiging tamad kundi magiging tsismosa, pakialamera, at nagsasalita ng mga bagay na hindi nila dapat sabihin.
14Kaya para sa akin, kung ganito lang ang mangyayari, mas mabuti pang muli na lang silang mag-asawa at magkaanak, at mag-asikaso sa sariling pamilya. Sa ganoon, walang masasabing masama ang mga sumasalungat sa atin.