1 Timoteo 5

Ngunit huwag mong isama sa listahan ang mga biyuda na bata pa; dahil kung matatalo ng kanilang pagnanasa ang katapatan nila kay Kristo, nanaisin nilang mag-asawa muli.

1 Timothy 5:11 (UKJV) But the younger widows refuse: for when they have begun to wax wanton against Christ, they will marry;

9Ang isasama mo lang sa listahan ng mga biyuda na tutulungan ay ang mga hindi bababa sa 60 taóng gulang at naging tapat sa asawa niya,

10kilala sa paggawa ng mabuti gaya ng maayos na pagpapalaki sa mga anak, bukás ang tahanan sa mga nakikituloy, hinuhugasan ang paa ng mga hinirang ng Diyos, tumutulong sa mga nangangailangan, at inilalaan ang sarili sa mabubuting gawa.

11Ngunit huwag mong isama sa listahan ang mga biyuda na bata pa; dahil kung matatalo ng kanilang pagnanasa ang katapatan nila kay Kristo, nanaisin nilang mag-asawa muli.

12At dahil ditoʼy magkakasala sila sapagkat hindi nila tinupad ang dati nilang pangako na maglilingkod na lamang sila kay Kristo.

13Maliban dito, matututo silang maging tamad at mag-aksaya ng panahon sa pangangapit-bahay. Hindi lang sila magiging tamad kundi magiging tsismosa, pakialamera, at nagsasalita ng mga bagay na hindi nila dapat sabihin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.