1 Timoteo 5

kilala sa paggawa ng mabuti gaya ng maayos na pagpapalaki sa mga anak, bukás ang tahanan sa mga nakikituloy, hinuhugasan ang paa ng mga hinirang ng Diyos, tumutulong sa mga nangangailangan, at inilalaan ang sarili sa mabubuting gawa.

1 Timothy 5:10 (UKJV) Well reported of for good works; if she have brought up children, if she have lodged strangers, if she have washed the saints' feet, if she have relieved the afflicted, if she have diligently followed every good work.

8Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.

9Ang isasama mo lang sa listahan ng mga biyuda na tutulungan ay ang mga hindi bababa sa 60 taóng gulang at naging tapat sa asawa niya,

10kilala sa paggawa ng mabuti gaya ng maayos na pagpapalaki sa mga anak, bukás ang tahanan sa mga nakikituloy, hinuhugasan ang paa ng mga hinirang ng Diyos, tumutulong sa mga nangangailangan, at inilalaan ang sarili sa mabubuting gawa.

11Ngunit huwag mong isama sa listahan ang mga biyuda na bata pa; dahil kung matatalo ng kanilang pagnanasa ang katapatan nila kay Kristo, nanaisin nilang mag-asawa muli.

12At dahil ditoʼy magkakasala sila sapagkat hindi nila tinupad ang dati nilang pangako na maglilingkod na lamang sila kay Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.