1 Timoteo 6

Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Diyos para sa buhay na ito nang ipahayag mo ang pananampalataya mo sa harap ng maraming saksi.

1 Timothy 6:12 (UKJV) Fight the good fight of faith, lay hold on eternal life, unto which you are also called, and have professed a good profession before many witnesses.

10Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.

11Ngunit ikaw, bilang lingkod ng Diyos, iwasan mo ang mga bagay na iyan. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, banal, may matibay na pananampalataya, mapagmahal, mapagtiis at mabait sa kapwa.

12Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Diyos para sa buhay na ito nang ipahayag mo ang pananampalataya mo sa harap ng maraming saksi.

13Sa presensya ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat, at sa presensya ni Kristo Hesus na nagpatotoo sa harap ni Poncio Pilato, inuutusan kitang

14sundin nang mabuti ang mga iniutos sa iyo upang walang maipintas sa iyo. Gawin mo ito hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.