1 Timoteo 6

sundin nang mabuti ang mga iniutos sa iyo upang walang maipintas sa iyo. Gawin mo ito hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

1 Timothy 6:14 (UKJV) That you keep this commandment without spot, blameless, until the appearing of our Lord Jesus Christ:

12Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Diyos para sa buhay na ito nang ipahayag mo ang pananampalataya mo sa harap ng maraming saksi.

13Sa presensya ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat, at sa presensya ni Kristo Hesus na nagpatotoo sa harap ni Poncio Pilato, inuutusan kitang

14sundin nang mabuti ang mga iniutos sa iyo upang walang maipintas sa iyo. Gawin mo ito hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

15Sa takdang panahon, ihahayag siya ng dakila at makapangyarihang Diyos, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.

16Siya lang ang walang kamatayan, at nananahan sa di-malapit-lapitang liwanag. Hindi siya nakita o maaaring makita ninuman. Sa kanya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.