1 Timoteo 6

Sa takdang panahon, ihahayag siya ng dakila at makapangyarihang Diyos, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.

1 Timothy 6:15 (UKJV) Which in his times he shall show, who is the blessed and only Potentate, the King of kings, and Lord of lords;

13Sa presensya ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat, at sa presensya ni Kristo Hesus na nagpatotoo sa harap ni Poncio Pilato, inuutusan kitang

14sundin nang mabuti ang mga iniutos sa iyo upang walang maipintas sa iyo. Gawin mo ito hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

15Sa takdang panahon, ihahayag siya ng dakila at makapangyarihang Diyos, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.

16Siya lang ang walang kamatayan, at nananahan sa di-malapit-lapitang liwanag. Hindi siya nakita o maaaring makita ninuman. Sa kanya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen.

17Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Diyos na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.