1Sa mga alipin na mananampalataya, dapat igalang nila nang lubos ang mga amo nila upang hindi lapastanganin ng mga tao ang Diyos at wala silang masabi laban sa itinuturo natin.
2At kung mga mananampalataya rin ang amo nila, hindi sila dapat mawalan ng paggalang dahil lang sa magkakapatid sila sa pananampalataya. Sa halip, lalo pa nga nilang dapat pagbutihin ang paglilingkod sa kanilang amo dahil kapwa nila mananampalataya ang nakikinabang sa paglilingkod nila, at mahal din ng Diyos. Ituro mo ang mga bagay na ito at hikayatin silang sundin ito.
3Kung may nagtuturo man nang salungat dito at hindi naaayon sa tamang turo ng ating Panginoong Hesu-Kristo, at mga turo tungkol sa pagsunod sa Diyos,
4ang taong itoʼy mayabang pero wala namang nalalaman. Gusto lang niyang makipagtalo na nauuwi lang naman sa inggitan, alitan, paninira, pambibintang,
5at walang tigil na awayan. Ito ang ugali ng taong baluktot ang pag-iisip at hindi na nakakaalam ng katotohanan. Inaakala nilang ang kabanalan ay paraan ng pagpapayaman.