2 Mga Cronica 10

Nang malaman ng mga Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa hari, “Ano naman kasi ang kaugnayan natin kay David? May kinalaman ba tayo sa anak ni Jesse? Halina kayo mga Israelita, umuwi na tayo! Bahala ka na sa iyong kaharian, David!” Kaya umuwi nga ang lahat ng mga Israelita.

2 Chronicles 10:16 (UKJV) And when all Israel saw that the king would not hearken unto them, the people answered the king, saying, What portion have we in David? and we have none inheritance in the son of Jesse: every man to your tents, O Israel: and now, David, see to yours own house. So all Israel went to their tents.

14Ang sinunod niya ay ang mga ipinayo ng mga binatang tagapayo. Sinabi niya sa kanila, “Mabigat nga ang pasaning ipinatupad ng aking ama sa inyo, ngunit mas mabigat pa ang ipapatupad ko. Kung pinalo niya kayo ng latigo, alakdan ang ipapalo ko sa inyo.”

15Kaya hindi nakinig ang hari sa mga tao, itoʼy niloob ng Panginoong Diyos upang matupad ang kanyang sinabi kay Jeroboam na anak ni Nebat sa pamamagitan ni Ahias na taga-Silo.

16Nang malaman ng mga Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa hari, “Ano naman kasi ang kaugnayan natin kay David? May kinalaman ba tayo sa anak ni Jesse? Halina kayo mga Israelita, umuwi na tayo! Bahala ka na sa iyong kaharian, David!” Kaya umuwi nga ang lahat ng mga Israelita.

17Ang mga Israelita lang na nakatira sa mga bayan ng Juda ang pinamahalaan ni Rehoboam.

18Ngayon, pinapunta ni Haring Rehoboam sa mga Israelita si Adoniram, ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho, upang ibalik ang kaayusan. Ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.