15Kaya hindi nakinig ang hari sa mga tao, itoʼy niloob ng Panginoong Diyos upang matupad ang kanyang sinabi kay Jeroboam na anak ni Nebat sa pamamagitan ni Ahias na taga-Silo.
16Nang malaman ng mga Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa hari, “Ano naman kasi ang kaugnayan natin kay David? May kinalaman ba tayo sa anak ni Jesse? Halina kayo mga Israelita, umuwi na tayo! Bahala ka na sa iyong kaharian, David!” Kaya umuwi nga ang lahat ng mga Israelita.
17Ang mga Israelita lang na nakatira sa mga bayan ng Juda ang pinamahalaan ni Rehoboam.
18Ngayon, pinapunta ni Haring Rehoboam sa mga Israelita si Adoniram, ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho, upang ibalik ang kaayusan. Ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem.
19Hanggang ngayon, nagrerebelde ang mga Israelita sa mga angkan ni David.