2 Mga Cronica 10

Ngayon, pinapunta ni Haring Rehoboam sa mga Israelita si Adoniram, ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho, upang ibalik ang kaayusan. Ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem.

2 Chronicles 10:18 (UKJV) Then king Rehoboam sent Hadoram that was over the tribute; and the children of Israel stoned him with stones, that he died. But king Rehoboam made speed to get him up to his chariot, to flee to Jerusalem.

16Nang malaman ng mga Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa hari, “Ano naman kasi ang kaugnayan natin kay David? May kinalaman ba tayo sa anak ni Jesse? Halina kayo mga Israelita, umuwi na tayo! Bahala ka na sa iyong kaharian, David!” Kaya umuwi nga ang lahat ng mga Israelita.

17Ang mga Israelita lang na nakatira sa mga bayan ng Juda ang pinamahalaan ni Rehoboam.

18Ngayon, pinapunta ni Haring Rehoboam sa mga Israelita si Adoniram, ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho, upang ibalik ang kaayusan. Ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem.

19Hanggang ngayon, nagrerebelde ang mga Israelita sa mga angkan ni David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.