2 Mga Cronica 10

Nang mabalitaan ito ni Jeroboam na anak ni Nebat, bumalik siya sa Israel. (Sapagkat sa panahong ito, doon siya nakatira sa Ehipto, kung saan tumakas siya kay Haring Solomon.)

2 Chronicles 10:2 (UKJV) And it came to pass, when Jeroboam the son of Nebat, who was in Egypt, where he fled from the presence of Solomon the king, heard it, that Jeroboam returned out of Egypt.

1Pumunta si Rehoboam sa Shekem, kung saan nagtipon ang lahat ng mga Israelita upang hirangin siya na hari.

2Nang mabalitaan ito ni Jeroboam na anak ni Nebat, bumalik siya sa Israel. (Sapagkat sa panahong ito, doon siya nakatira sa Ehipto, kung saan tumakas siya kay Haring Solomon.)

3Ipinatawag ng mga Israelita si Jeroboam, at pumunta sila kay Rehoboam at sinabi,

4“Mabigat ang mga ipinapatupad ng inyong ama sa amin. Ngunit kung pagagaanin nʼyo ito, paglilingkuran namin kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.