2Nang mabalitaan ito ni Jeroboam na anak ni Nebat, bumalik siya sa Israel. (Sapagkat sa panahong ito, doon siya nakatira sa Ehipto, kung saan tumakas siya kay Haring Solomon.)
3Ipinatawag ng mga Israelita si Jeroboam, at pumunta sila kay Rehoboam at sinabi,
4“Mabigat ang mga ipinapatupad ng inyong ama sa amin. Ngunit kung pagagaanin nʼyo ito, paglilingkuran namin kayo.”
5Sumagot si Rehoboam, “Bigyan nʼyo muna ako ng tatlong araw upang pag-isipan ito, pagkatapos, bumalik kayo sa akin.” Kaya umuwi ang mga tao.
6Nakipagkita agad si Haring Rehoboam sa mga matatandang tagapayo na naglingkod sa kanyang amang si Solomon noong nabubuhay pa ito. Nagtanong si Rehoboam sa kanila, “Ano ba ang maipapayo ninyo na isasagot ko sa hinihiling ng mga taong iyon?”