2 Mga Cronica 10

Ipinatawag ng mga Israelita si Jeroboam, at pumunta sila kay Rehoboam at sinabi,

2 Chronicles 10:3 (UKJV) And they sent and called him. So Jeroboam and all Israel came and spoke to Rehoboam, saying,

1Pumunta si Rehoboam sa Shekem, kung saan nagtipon ang lahat ng mga Israelita upang hirangin siya na hari.

2Nang mabalitaan ito ni Jeroboam na anak ni Nebat, bumalik siya sa Israel. (Sapagkat sa panahong ito, doon siya nakatira sa Ehipto, kung saan tumakas siya kay Haring Solomon.)

3Ipinatawag ng mga Israelita si Jeroboam, at pumunta sila kay Rehoboam at sinabi,

4“Mabigat ang mga ipinapatupad ng inyong ama sa amin. Ngunit kung pagagaanin nʼyo ito, paglilingkuran namin kayo.”

5Sumagot si Rehoboam, “Bigyan nʼyo muna ako ng tatlong araw upang pag-isipan ito, pagkatapos, bumalik kayo sa akin.” Kaya umuwi ang mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.