18Pinakasalan ni Rehoboam si Mahalat, na anak ni Jerimot na anak ni David, at Abihail na anak ni Eliab at apo ni Jesse.
19Si Rehoboam at si Mahalat ay may tatlong anak na lalaki na sina Jeus, Semarias at Zaham.
20Pinakasalan din ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom. Ang kanilang mga anak na lalaki ay sina Abias, Atai, Ziza at Selomit.
21Mas mahal ni Rehoboam si Maaca kaysa sa iba niyang mga asawa. May labingwalong asawa si Rehoboam at may animnapu pa siyang mga asawang alipin. At ang mga anak niya ay dalawampuʼt walong lalaki at anim na babae.
22Ang anak niya kay Maaca na si Abias ang pinili niyang maging pinuno ng mga anak niyang prinsipe, na nangangahulugang si Abias ang papalit sa kanya bilang hari.