16Ang mga Israelita sa ibang lahi ng Israel na gustong dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng Israel ay sumunod sa mga Levita sa Jerusalem, upang makapaghandog sila ng mga handog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
17Pinatibay nila ang kaharian ng Juda, at sa loob ng tatlong taon, sinuportahan nila si Rehoboam na anak ni Solomon. Sumunod sila sa Panginoon gaya ng kanilang ginawa noong naghari sina David at Solomon.
18Pinakasalan ni Rehoboam si Mahalat, na anak ni Jerimot na anak ni David, at Abihail na anak ni Eliab at apo ni Jesse.
19Si Rehoboam at si Mahalat ay may tatlong anak na lalaki na sina Jeus, Semarias at Zaham.
20Pinakasalan din ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom. Ang kanilang mga anak na lalaki ay sina Abias, Atai, Ziza at Selomit.