2 Mga Cronica 11

Ang mga Israelita sa ibang lahi ng Israel na gustong dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng Israel ay sumunod sa mga Levita sa Jerusalem, upang makapaghandog sila ng mga handog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

2 Chronicles 11:16 (UKJV) And after them out of all the tribes of Israel such as set their hearts to seek the LORD God of Israel came to Jerusalem, to sacrifice unto the LORD God of their fathers.

14Ang mga Levitang ito ay iniwan ang kanilang bahay at lupa, at lumipat sa Juda at Jerusalem dahil itinakwil sila ni Jeroboam at ng mga anak nito bilang mga pari ng Panginoon.

15Nagtalaga si Jeroboam ng sarili niyang mga pari sa mga sambahan sa matataas na lugar, kung saan sumasamba sila sa kanilang mga diyos-diyosang kambing at baka na gawa ni Jeroboam.

16Ang mga Israelita sa ibang lahi ng Israel na gustong dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng Israel ay sumunod sa mga Levita sa Jerusalem, upang makapaghandog sila ng mga handog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

17Pinatibay nila ang kaharian ng Juda, at sa loob ng tatlong taon, sinuportahan nila si Rehoboam na anak ni Solomon. Sumunod sila sa Panginoon gaya ng kanilang ginawa noong naghari sina David at Solomon.

18Pinakasalan ni Rehoboam si Mahalat, na anak ni Jerimot na anak ni David, at Abihail na anak ni Eliab at apo ni Jesse.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.