2 Mga Cronica 11

Ang anak niya kay Maaca na si Abias ang pinili niyang maging pinuno ng mga anak niyang prinsipe, na nangangahulugang si Abias ang papalit sa kanya bilang hari.

2 Chronicles 11:22 (UKJV) And Rehoboam made Abijah the son of Maachah the chief, to be ruler among his brethren: for he thought to make him king.

20Pinakasalan din ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom. Ang kanilang mga anak na lalaki ay sina Abias, Atai, Ziza at Selomit.

21Mas mahal ni Rehoboam si Maaca kaysa sa iba niyang mga asawa. May labingwalong asawa si Rehoboam at may animnapu pa siyang mga asawang alipin. At ang mga anak niya ay dalawampuʼt walong lalaki at anim na babae.

22Ang anak niya kay Maaca na si Abias ang pinili niyang maging pinuno ng mga anak niyang prinsipe, na nangangahulugang si Abias ang papalit sa kanya bilang hari.

23Maingat na binigyan ni Rehoboam ng katungkulan ang iba pa niyang mga anak, at inilagay niya sila sa napapaderang lungsod ng Juda at Benjamin. Binigyan niya sila ng kanilang mga pangangailangan at mga asawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.