13Habang nagsasalita si Abias, lihim na nagsugo si Jeroboam ng mga sundalo sa likod ng mga taga-Juda upang tambangan sila.
14Nang makita ng mga taga-Juda na nilulusob sila sa likuran at sa harapan, humingi sila ng tulong sa Panginoon. Pinatunog agad ng mga pari ang mga trumpeta, at
15sumigaw nang malakas ang mga taga-Juda sa paglusob. Sa kanilang pagsigaw, tinalo ng Diyos si Jeroboam at ang mga sundalo ng Israel. Hinabol sila ni Abias at ng mga sundalo ng Juda.
16Tumakas sila at ibinigay sila ng Diyos sa mga taga-Juda.
17Marami ang napatay ni Abias at ng mga tauhan niya, 500,000 na matatapang na taga-Israel.