2 Mga Cronica 13

Hinabol ni Abias si Jeroboam at inagaw niya rito ang mga bayan ng Betel, Jesana at Efron, at ang mga baryo sa paligid nito.

2 Chronicles 13:19 (UKJV) And Abijah pursued after Jeroboam, and took cities from him, Bethel with the towns thereof, and Jeshanah with the towns thereof, and Ephraim with the towns thereof.

17Marami ang napatay ni Abias at ng mga tauhan niya, 500,000 na matatapang na taga-Israel.

18Kaya natalo ng mga taga-Juda ang mga taga-Israel, dahil nagtiwala sila sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

19Hinabol ni Abias si Jeroboam at inagaw niya rito ang mga bayan ng Betel, Jesana at Efron, at ang mga baryo sa paligid nito.

20Hindi na mabawi ni Jeroboam ang kanyang kapangyarihan nang panahon ni Abias, at pinarusahan siya ng Panginoon at siyaʼy namatay.

21Samantala, lalo pang naging makapangyarihan si Abias. May labing-apat siyang asawa at dalawampuʼt dalawang anak na lalaki at labing-anim na anak na babae.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.