2 Mga Cronica 13

Hindi na mabawi ni Jeroboam ang kanyang kapangyarihan nang panahon ni Abias, at pinarusahan siya ng Panginoon at siyaʼy namatay.

2 Chronicles 13:20 (UKJV) Neither did Jeroboam recover strength again in the days of Abijah: and the LORD struck him, and he died.

18Kaya natalo ng mga taga-Juda ang mga taga-Israel, dahil nagtiwala sila sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

19Hinabol ni Abias si Jeroboam at inagaw niya rito ang mga bayan ng Betel, Jesana at Efron, at ang mga baryo sa paligid nito.

20Hindi na mabawi ni Jeroboam ang kanyang kapangyarihan nang panahon ni Abias, at pinarusahan siya ng Panginoon at siyaʼy namatay.

21Samantala, lalo pang naging makapangyarihan si Abias. May labing-apat siyang asawa at dalawampuʼt dalawang anak na lalaki at labing-anim na anak na babae.

22Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Abias, ang kanyang mga sinabi at mga ginawa ay nakasulat sa Aklat ni Propeta Iddo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.