16Tumakas sila at ibinigay sila ng Diyos sa mga taga-Juda.
17Marami ang napatay ni Abias at ng mga tauhan niya, 500,000 na matatapang na taga-Israel.
18Kaya natalo ng mga taga-Juda ang mga taga-Israel, dahil nagtiwala sila sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
19Hinabol ni Abias si Jeroboam at inagaw niya rito ang mga bayan ng Betel, Jesana at Efron, at ang mga baryo sa paligid nito.
20Hindi na mabawi ni Jeroboam ang kanyang kapangyarihan nang panahon ni Abias, at pinarusahan siya ng Panginoon at siyaʼy namatay.