20Hindi na mabawi ni Jeroboam ang kanyang kapangyarihan nang panahon ni Abias, at pinarusahan siya ng Panginoon at siyaʼy namatay.
21Samantala, lalo pang naging makapangyarihan si Abias. May labing-apat siyang asawa at dalawampuʼt dalawang anak na lalaki at labing-anim na anak na babae.
22Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Abias, ang kanyang mga sinabi at mga ginawa ay nakasulat sa Aklat ni Propeta Iddo.