2 Mga Cronica 14

Namatay si Abias at inilibing sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Asa ang pumalit sa kanya bilang hari. Sa panahon ng paghahari niya, nagkaroon ng kapayapaan sa Juda sa loob ng sampung taon.

2 Chronicles 14:1 (UKJV) So Abijah slept with his fathers, and they buried him in the city of David: and Asa his son reigned in his position. In his days the land was quiet ten years.

1Namatay si Abias at inilibing sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Asa ang pumalit sa kanya bilang hari. Sa panahon ng paghahari niya, nagkaroon ng kapayapaan sa Juda sa loob ng sampung taon.

2Matuwid ang ginawa ni Asa sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos.

3Tinanggal niya ang mga altar ng mga diyos-diyosan at ang mga sambahan sa matataas na lugar. Winasak niya ang mga alaalang bato at giniba ang mga posteng imahen ni Ashera.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.