1Namatay si Abias at inilibing sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Asa ang pumalit sa kanya bilang hari. Sa panahon ng paghahari niya, nagkaroon ng kapayapaan sa Juda sa loob ng sampung taon.
2Matuwid ang ginawa ni Asa sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos.
3Tinanggal niya ang mga altar ng mga diyos-diyosan at ang mga sambahan sa matataas na lugar. Winasak niya ang mga alaalang bato at giniba ang mga posteng imahen ni Ashera.
4Inutusan niya ang mamamayan ng Juda na dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at tumupad sa kanyang mga kautusan.