2 Mga Cronica 14

Inutusan niya ang mamamayan ng Juda na dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at tumupad sa kanyang mga kautusan.

2 Chronicles 14:4 (UKJV) And commanded Judah to seek the LORD God of their fathers, and to do the law and the commandment.

2Matuwid ang ginawa ni Asa sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos.

3Tinanggal niya ang mga altar ng mga diyos-diyosan at ang mga sambahan sa matataas na lugar. Winasak niya ang mga alaalang bato at giniba ang mga posteng imahen ni Ashera.

4Inutusan niya ang mamamayan ng Juda na dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at tumupad sa kanyang mga kautusan.

5Ipinagiba niya ang mga sambahan sa matataas na lugar at ang mga altar na pinagsusunugan ng mga insenso sa lahat ng bayan ng Juda. Kaya may kapayapaan ang kaharian ng Juda sa panahon ng paghahari ni Asa.

6At habang mapayapa, pinalagyan niya ng mga pader ang mga lungsod ng Juda. Walang nakipaglaban sa kanya sa panahong ito, dahil binigyan siya ng Panginoon ng kapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.