2 Mga Cronica 13

“At ngayon gusto nʼyong kalabanin ang kaharian ng Panginoon na pinamamahalaan ng angkan ni David. Nagmamayabang kayo na marami kayong sundalo at dala nʼyo ang mga gintong baka na ipinagawa ni Jeroboam bilang mga diyos ninyo.

2 Chronicles 13:8 (UKJV) And now all of you think to withstand the kingdom of the LORD in the hand of the sons of David; and all of you be a great multitude, and there are with your golden calves, which Jeroboam made you for gods.

6Ngunit ikaw Jeroboam na anak ni Nebat ay nagrebelde sa iyong amo na si Solomon na anak ni David.

7Sumama saʼyo ang mga walang kuwentang tao, at kinalaban nila ang mga anak ni Solomon na si Rehoboam noong bata pa ito, at wala pang karanasan at kakayahang lumaban sa inyo.

8“At ngayon gusto nʼyong kalabanin ang kaharian ng Panginoon na pinamamahalaan ng angkan ni David. Nagmamayabang kayo na marami kayong sundalo at dala nʼyo ang mga gintong baka na ipinagawa ni Jeroboam bilang mga diyos ninyo.

9Pinalayas nʼyo ang mga pari ng Panginoon, na angkan ni Aaron at ang mga Levita, at pumili kayo ng sarili nʼyong mga pari gaya ng ginagawa ng ibang mga bansa. Sinuman sa inyo na may toro at pitong lalaking tupa ay maaaring italaga bilang pari ng inyong huwad na mga diyos.

10“Ngunit kami, ang Panginoon ang aming Diyos, at hindi namin siya itinakwil. Ang mga paring naglilingkod sa Panginoon ay mga angkan ni Aaron, at tinutulungan sila ng mga Levita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.