2 Mga Cronica 13

Pinalayas nʼyo ang mga pari ng Panginoon, na angkan ni Aaron at ang mga Levita, at pumili kayo ng sarili nʼyong mga pari gaya ng ginagawa ng ibang mga bansa. Sinuman sa inyo na may toro at pitong lalaking tupa ay maaaring italaga bilang pari ng inyong huwad na mga diyos.

2 Chronicles 13:9 (UKJV) Have all of you not cast out the priests of the LORD, the sons of Aaron, and the Levites, and have made you priests after the manner of the nations of other lands? so that whosoever comes to consecrate himself with a young bullock and seven rams, the same may be a priest of them that are no gods.

7Sumama saʼyo ang mga walang kuwentang tao, at kinalaban nila ang mga anak ni Solomon na si Rehoboam noong bata pa ito, at wala pang karanasan at kakayahang lumaban sa inyo.

8“At ngayon gusto nʼyong kalabanin ang kaharian ng Panginoon na pinamamahalaan ng angkan ni David. Nagmamayabang kayo na marami kayong sundalo at dala nʼyo ang mga gintong baka na ipinagawa ni Jeroboam bilang mga diyos ninyo.

9Pinalayas nʼyo ang mga pari ng Panginoon, na angkan ni Aaron at ang mga Levita, at pumili kayo ng sarili nʼyong mga pari gaya ng ginagawa ng ibang mga bansa. Sinuman sa inyo na may toro at pitong lalaking tupa ay maaaring italaga bilang pari ng inyong huwad na mga diyos.

10“Ngunit kami, ang Panginoon ang aming Diyos, at hindi namin siya itinakwil. Ang mga paring naglilingkod sa Panginoon ay mga angkan ni Aaron, at tinutulungan sila ng mga Levita.

11Tuwing umaga at gabi, naghahandog sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at insenso. Naglalagay sila ng tinapay sa mesa na itinuturing na malinis. At tuwing gabi, sinisindihan nila ang mga ilaw na nasa gintong mga patungan. Tinutupad namin ang mga utos ng Panginoon naming Diyos. Ngunit kayo, itinakwil nʼyo siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.