9Nilusob ni Zera na taga-Etiopia ang Juda kasama ang maraming sundalo at tatlong daang karwahe. At nakarating sila hanggang sa Maresa.
10Pumwesto sina Asa sa Lambak ng Sefata malapit sa Maresa.
11Pagkatapos, nanalangin si Asa sa Panginoon na kanyang Diyos, “O Panginoon, wala na pong iba pang makakatulong sa mga taong walang kakayahan laban sa mga makapangyarihan kundi kayo lang. Tulungan nʼyo po kami, O Panginoon naming Diyos, dahil umaasa po kami sa inyo, at sa inyong pangalan, pumunta kami rito laban sa napakaraming sundalong ito. O Panginoon, kayo po ang aming Diyos; huwag nʼyo pong payagang manaig ang tao laban sa inyo.”
12Kaya dinaig ng Panginoon ang mga taga-Etiopia sa harapan ni Asa at ng mga taga-Juda. Tumakas ang mga taga-Etiopia,
13at hinabol sila ni Asa at ng kanyang mga sundalo hanggang sa Gerar. Marami sa mga ito ang namatay at hindi na makalaban pa. Dinaig sila ng Panginoon at ng kanyang mga sundalo. Maraming ari-arian ang nasamsam ng mga sundalo ng Juda.