1Pinuspos ng Espiritu ng Diyos si Azarias na anak ni Oded.
2Nakipagkita siya kay Asa at sinabi, “Pakinggan nʼyo po ako Haring Asa, at lahat kayong taga-Juda at taga-Benjamin. Mananatili ang Panginoon sa inyo habang nananatili kayo sa kanya. Kung dudulog kayo sa kanya, tutulungan niya kayo. Ngunit kung tatalikuran nʼyo siya, tatalikuran din niya kayo.
3Sa mahabang panahon, namuhay ang mga Israelita na walang tunay na Diyos, walang paring nagtuturo sa kanila, at walang kautusan.