8Nang marinig ni Asa ang mensahe ni Azarias na anak ni Oded, nagpakatapang siya. Inalis niya ang kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan sa buong Juda at Benjamin, at sa mga bayan na kanyang inagaw sa mababang bahagi ng Efraim. Ipinaayos niya ang altar ng Panginoon na nasa harapan ng balkonahe ng Templo ng Panginoon.
9Pagkatapos, ipinatipon niya ang lahat ng mamamayan ng Juda at Benjamin, at ang mga mamamayan mula sa Efraim, Manases, at Simeon na nakatirang kasama nila. Maraming lumipat sa Juda mula sa Israel nang makita nilang si Asa ay sinasamahan ng Panginoon na kanyang Diyos.
10Nagtipon sila sa Jerusalem noong ikatlong buwan nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Asa.
11At sa oras na iyon, naghandog sila sa Panginoon ng mga hayop na kanilang nasamsam sa labanan, pitong daang baka at pitong libong tupa at kambing.
12Gumawa sila ng kasunduan na dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, nang buong puso nilaʼt kaluluwa.