2 Mga Cronica 15

Nang marinig ni Asa ang mensahe ni Azarias na anak ni Oded, nagpakatapang siya. Inalis niya ang kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan sa buong Juda at Benjamin, at sa mga bayan na kanyang inagaw sa mababang bahagi ng Efraim. Ipinaayos niya ang altar ng Panginoon na nasa harapan ng balkonahe ng Templo ng Panginoon.

2 Chronicles 15:8 (UKJV) And when Asa heard these words, and the prophecy of Oded the prophet, he took courage, and put away the abominable idols out of all the land of Judah and Benjamin, and out of the cities which he had taken from mount Ephraim, and renewed the altar of the LORD, that was before the porch of the LORD.

6Naglalaban-laban ang mga bansa at ang mga lungsod, dahil ginulo sila ng Diyos sa pamamagitan ng ibaʼt ibang mga kahirapan.

7Ngunit kayo naman, magpakatapang kayo at huwag manghina dahil ang mga gawa ninyo ay gagantimpalaan.”

8Nang marinig ni Asa ang mensahe ni Azarias na anak ni Oded, nagpakatapang siya. Inalis niya ang kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan sa buong Juda at Benjamin, at sa mga bayan na kanyang inagaw sa mababang bahagi ng Efraim. Ipinaayos niya ang altar ng Panginoon na nasa harapan ng balkonahe ng Templo ng Panginoon.

9Pagkatapos, ipinatipon niya ang lahat ng mamamayan ng Juda at Benjamin, at ang mga mamamayan mula sa Efraim, Manases, at Simeon na nakatirang kasama nila. Maraming lumipat sa Juda mula sa Israel nang makita nilang si Asa ay sinasamahan ng Panginoon na kanyang Diyos.

10Nagtipon sila sa Jerusalem noong ikatlong buwan nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Asa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.