4Ngunit sa kanilang paghihirap, dumulog sila sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, at tinulungan niya sila.
5Nang panahong iyon, mapanganib ang maglakbay dahil nagkakagulo ang mga tao.
6Naglalaban-laban ang mga bansa at ang mga lungsod, dahil ginulo sila ng Diyos sa pamamagitan ng ibaʼt ibang mga kahirapan.
7Ngunit kayo naman, magpakatapang kayo at huwag manghina dahil ang mga gawa ninyo ay gagantimpalaan.”
8Nang marinig ni Asa ang mensahe ni Azarias na anak ni Oded, nagpakatapang siya. Inalis niya ang kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan sa buong Juda at Benjamin, at sa mga bayan na kanyang inagaw sa mababang bahagi ng Efraim. Ipinaayos niya ang altar ng Panginoon na nasa harapan ng balkonahe ng Templo ng Panginoon.