10Si Zedequias na isa sa mga propeta, na anak ni Quenaana ay gumawa ng sungay na bakal. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Sa pamamagitan ng sungay na ito, lilipulin mo, ang mga Arameo hanggang sa maubos sila.’ ”
11Ganito rin ang sinabi ng lahat ng propeta. Sinabi nila, “Lusubin nʼyo po ang Ramot-gilead, Haring Ahab, at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo ng Panginoon.”
12Samantala, ang mga inutusan sa pagkuha kay Micaias ay nagsabi sa kanya, “Ang lahat ng propeta ay pare-parehong nagsasabing magtatagumpay ang hari, kaya ganoon din ang iyong sabihin.”
13Ngunit sinabi ni Micaias, “Nanunumpa ako sa buháy na Panginoon na aking Diyos na sasabihin ko lang ang ipinasasabi niya sa akin.”
14Pagdating ni Micaias kay Haring Ahab, nagtanong ang hari sa kanya, “Micaias, lulusubin ba namin ang Ramot-gilead o hindi?” Sumagot si Micaias, “Lusubin nʼyo at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo.”