2 Mga Cronica 18

Ngunit sinabi ni Micaias, “Nanunumpa ako sa buháy na Panginoon na aking Diyos na sasabihin ko lang ang ipinasasabi niya sa akin.”

2 Chronicles 18:13 (UKJV) And Micaiah said, As the LORD lives, even what my God says, that will I speak.

11Ganito rin ang sinabi ng lahat ng propeta. Sinabi nila, “Lusubin nʼyo po ang Ramot-gilead, Haring Ahab, at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo ng Panginoon.”

12Samantala, ang mga inutusan sa pagkuha kay Micaias ay nagsabi sa kanya, “Ang lahat ng propeta ay pare-parehong nagsasabing magtatagumpay ang hari, kaya ganoon din ang iyong sabihin.”

13Ngunit sinabi ni Micaias, “Nanunumpa ako sa buháy na Panginoon na aking Diyos na sasabihin ko lang ang ipinasasabi niya sa akin.”

14Pagdating ni Micaias kay Haring Ahab, nagtanong ang hari sa kanya, “Micaias, lulusubin ba namin ang Ramot-gilead o hindi?” Sumagot si Micaias, “Lusubin nʼyo at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo.”

15Ngunit sinabi ng hari kay Micaias, “Ilang beses ba kitang panunumpain na sabihin mo sa akin ang totoo sa pangalan ng Panginoon?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.