13Ngunit sinabi ni Micaias, “Nanunumpa ako sa buháy na Panginoon na aking Diyos na sasabihin ko lang ang ipinasasabi niya sa akin.”
14Pagdating ni Micaias kay Haring Ahab, nagtanong ang hari sa kanya, “Micaias, lulusubin ba namin ang Ramot-gilead o hindi?” Sumagot si Micaias, “Lusubin nʼyo at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo.”
15Ngunit sinabi ng hari kay Micaias, “Ilang beses ba kitang panunumpain na sabihin mo sa akin ang totoo sa pangalan ng Panginoon?”
16Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko sa pangitain na nakakalat ang mga Israelita sa mga kabundukan gaya ng mga tupa na walang nagbabantay, at nagsabi ang Panginoon, ‘Ang mga taong itoʼy wala nang pinuno. Pauwiin sila na may kapayapaan.’ ”
17Sinabi ni Haring Ahab kay Jehoshafat, “Hindi ba sinabihan na kitang wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan lang?”